HomeHOME / SITE MAP / EMAIL US

 

MGA MADALAS NA KATANUNGAN

  • Anong klase ng franchise ang mayroon?
    Ang PR GAZ HAUS ay nag-aalok ng individual franchises para sa pagpapatayo at pamamalakad ng isang PR GAZ HAUS outlet.

  • Magkano ang halaga ng franchise?
    Ang kabuuang tinatayang halaga ng puhunan, kasama na ang franchise fee, ay mula P900,000 hanggang P1,000,000 para sa isang PR GAZ HAUS outlet na may sukat na 25 hanggang 40 metro kuwadrado. Ang franchise fee ay halagang inilalaan ng pamunuan ng PR GAZ HAUS sa pagpapasinaya ng outlet, pagbibigay sa franchisee ng pangunang pagsasanay, at iba pang kakailanganing tulong at serbisyo. Ang halaga ring ito ay nagbibigay ng pribilehiyo sa franchisee na gamitin ang PR GAZ HAUS tradename at trademarks, sistema ng pagpapatakbo ng negosyo, tulong sa marketing, patuloy na pagpapahusay ng negosyo, pagkukunsulta, at iba pang benepisyong kaakibat ng pagiging bahagi ng organisasyon ng PR GAZ HAUS.

  • Gaano katagal bago mabawi ng franchisee ang kanyang puhunan?
    Tinatayang mababawi ang puhunan ng mula isa (1) hanggang dalawa’t kalahating (2 ½) taon depende sa pamamalakad at dedikasyon ng franchisee sa negosyo.

  • Magkano ang royalty fee para sa patuloy na suporta at serbisyo ng franchisor?
    Wala. Ang PR GAZ HAUS ay hindi maniningil ng kahit na anong royalty fee para sa patuloy na suporta at serbisyo nito sa franchisee.

  • Paano naman ang advertising?
    Ang franchisee ay gugugol ng di-kukulang sa isang libong piso (Ps. 1,000) bawat buwan para sa local advertising at promotion. Maglalaan din ang franchisee ng isang pursiyento (1%) ng kabuuang kita ng kanyang outlet para naman sa corporate advertising at development fund na gagamitin ng pamunuan ng PR GAZ HAUS para sa mga anunsiyo sa diyaryo, direct mail advertising at iba pang pamamaraan ng promotion sa iba’t ibang media.

  • Anu-anong pagsasanay ang ibinibigay para sa sistema ng pagpatakbo ng negosyong PR GAZ HAUS?
    Pagkatapos na mapirmahan ang franchise agreement, ang franchisee at isa sa nakatataas na empleyado nito ay magsasanay sa loob ng pitong (7) araw sa PR GAZ HAUS Head Office, ganun din sa PR GAZ HAUS Refilling Plant kung saan malapit ang outlet ng franchisee. Ito ay kinapapalooban ng classroom at on-the-job training sa lahat ng aspeto ng pagpapatakbo ng negosyong PR GAZ HAUS, kabilang ang kaalaman ukol sa mga produkto, paraan ng pagbebenta ayon sa sistema ng PR GAZ HAUS, customer service, at iba pang sistema, kaparaanan at pangangalaga ng negosyo.

  • Ano pang tulong at patnubay ang patuloy na matatanggap ng franchisee
    Ang franchisee ay patuloy na bibisitahin ng franchise representative na siyang gagabay at sisiguro ng kaledad at sasagot sa ano mang katanungan nito. Maaari din magbigay ng refresher training ang PR GAZ HAUS kung kinakailangan. Makatatangap din ang franchisee ng kopya ng confidential operations manual na naglalaman ng mga panuntunan at pamamaraan ng pagpapalakad ng negosyo. Kaakibat nito, ang franchisee ay makikinabang sa logistics capability ng PR GAZ HAUS, na kung saan ang mga tauhan ng refilling plants ang siyang magdadala at kukuha ng iyong mga basyo (LPG cylinders) upang lagyan muli ng laman.

  • Ilang taon ang Franchise Agreement?
    Ang franchise agreement sa unang termino ng kasunduan ay may bisa na limang (5) taon. Ang kasunduang ito ay maaring muling i-renew ng hanggang dalawang (2) termino pa, o kabuuang labinlimang (15) taon.

  • Ano na ang susunod na hakbang?
    Sagutin lamang ang Franchise Evaluation Form at ibalik ito sa amin. Matapos mapag-aralan ang mga kwalipikasyon at mapag-alaman na, sa aming palagay, ay maaring mapabilang sa pamilya ng PR GAZ HAUS, ang aplikante ay aming aanyayahan upang mas makilala ng personal.

PARA SA KARAGDAGANG IMPORMASYON, MAKIPAG-UGNAYAN SA:
PR GAZ HOLDINGS, INC.
Telephone: (+632) 571 -77-71 (connecting all departments)
Mobile: 0917-8533806
Email: franchise@prgazhaus.com

English Version click here>>

©PR Gaz 2007. All Rights reserved.